Benepisyong Makukuha sa Pagkain ng Mansanas
Ang mansanas ay isang puno at bunga na kabilang sa uring Malus domestica sa loob ng pamilya Rosaceae ng mga rosas. Ito ang pinakainaalagaang mga namumungang puno sa mundo. Hindi ito tumutubo sa Pilipinas. Ang mansanas ay
maraming vitamins at minerals na talagang masasabing health benefits. Mahalaga na kainin din ang balat ng mansanas dahil may taglay itong pectin na nagtatanggal ng dumi sa ating katawan.
Ang MANSANAS ay....................
1. Nakakatulong sa mental health.
- malabanan ang mga sakit tulad ng Alzheimer at Parkinson's.
2. Mayaman sa fiber.
- ang fiber ay may laban sa mga nakamamatay na sakit tulad ng kanser at heart diseases.
3. Nakatutulong laban sa heart disease at diabetes.
- ayon sa pag aaral, labinlimang porsyento ang ibinaba sa peligro dala ng cardiovascular disease.
4. Nakakabawas ng timbang at tulong kontra asthma.
- napatunayan na ang pagkain ng mansanas ay mas higit na epektibo sa pagpapababa ng timbang at nakatutulong kontra sa pulmonary health problems.
5. Kontra sa lung cancer.
- ang lung cancer ang pinaka popular na sakit sa kasalukuyan. Ang pagkain ng isang mansanas kada araw ay nakakabawas sa peligrong dala nto.
Dagdag kaalaman lang....
Marami sa atin ang binabalatan ang mansanas bago kainin. Kung gagawin ito, mawawala ang kabuuan ng nutrisyon ng prutas sapagkat ang balat ang siyang pinakamasustansyang parte ng mansanas.
Sabi nga " An apple a day makes a doctor away". Kaya para makaiwas sa sakit kumain ng mansanas.